Saturday, November 26, 2005

The patronizing world of life and love, part two.

The taxi radio cackles slightly, as if clearing its throat for the half-hour* of entertainment ahead.

"Ako po si Brother -----, and I will be your host for Doctor Love."

The stoic taxi driver continues to weave his way around Makati night traffic.

"May caller na tayo sa telephone, si Ma'am Hilda from -----. Ano po ang maitutulong ko sa inyo, Hilda?"

Hilda mumbles into the phone.

"...problema po, kasi hindi po kasal ang anak ko at ng boyfriend niya..."

"Hilda, paki laksan ang boses ninyo."

"Kasi po, yung anak kong babae, may ka-live in, yung boyfriend niya. Ngayon po, hindi naman problema ang kasal--"

"Ha? Sabi niyo kanina ang problema niyo na hindi sila kasal, ngayon sabi niyo na hindi na problema yun?"

"Kasi po, may pera naman para sa kasal eh, handa na kaming gumastos sa kasal..."

"Yun naman pala eh. So ano ho ngayon ang problema ninyo?"

"Ano po, yung anak kong babae ayaw pa. Hindi kasi siya sigurado kung reliable talaga yung lalake, hindi pa po siya naka-decide..."

The host clears his throat.

"They need to make a decision! They are living in sin! Hindi po pwede yan sa mata ng Panginoon, Hilda."

"Oo nga po, pero kasi, nahihiya na rin ako eh kasi napapagusapan na sila ng mga kapit-bahay namin, may anak na pero hindi pa kasal."

"Huwag kang mahiya sa kanila, Hilda. Mahiya ka sa Dios!"

"Kasi po yung lalake, ano po siya, mahilig sa mga bagay na di naman niya kayang bilhin, kapit -suso--"

The taxi driver chortles impressively.

"Ano ho yun, yung kapit-suso?"

I grin in the darkness.

"Yung mahilig po sa mga magagandang bagay--"

"Ah, kapit sa uso."

"Yun nga ho."

"Gusto ko po kasing antayin yung decision ng anak ko, kasi hindi pa raw siya sigurado sa lalake."

"So you're waiting for your daughter's decision. Eh ano nga ho ang problema niyo ngayon?"

"Kasi po, yung lalake, maski pambili lang ng pandesal, sakin humihingi. Mahal ko po yung anak ko, ayokong makasal siya sa ganitong lalake."

"They need to make a decision, Hilda. Ano ba talaga? Pag may problema, i-address kaagad! Saan ba sila nakatira, sa inyo?"

"Opo."

"Aba, sa inyo pala nakatira eh. Bakit ayaw mo siyang kausapin? Hanapin mo siya at sabihin mo sa manugang mo na hilaw: 'Alam mo anak, batugan ka.'. Sabihin mo sa kanya yung worries mo! Pag may problema, i-address mo!"

"Oo nga po, kaya lang di ko po kasi siya mahanap eh, laging wala."

"Hindi niyo siya mahanap sa sarili mong bahay?"

The taxi driver is openly laughing now as he takes the Domestic bridge to NAIA.

"Kasi po, lagi siyang wala eh, di kami nagkakasalubong sa bahay."

"Hilda, hanapin mo siya at sabihin mo: 'Alam mo anak, batugang ka. Maski pambili lang ng pandesal sakin ka pa humihingi.'

"Eh kasi po ayoko naman siyang i-kickout sa bahay kaagad."

"Hindi ko namang sinabi na i-kickout kaagad eh! Warning lang na hindi mo nato-tolerate ang behavior niya. Hindi mo ba kayang sabihin sa kanya?"

"Kaya ko naman po eh. Kung merong masaktan sa pamilya ko iki-kickout ko talaga, hindi pwede yan sa pamamahay ko, matapang talaga ako pagdating sa ganyan, hindi pwede saking ang mga ganyang tao--"

"Matapang naman pala kayo Hilda eh. Eh bakit ayaw mo siyang lapitan at kausapin?"

"Eh kasi po, yung asawa ko eh, hindi siya tumutulong--"

"Yung asawa niyo naman yung problema niyo! Ano ba talaga, Hilda?"

The host sighs audibly. My house is near and I lean forward eagerly.

"Hilda, Hilda..ikaw ang problema ko ngayong gabi. Bukod sa lasing na nakausap ko kanina, ikaw ang problema ko."

Hilda launches into a long tale of woe, pointing fingers at her husband, manugang na hilaw, and everyone else save for her and her daughter.

"...kasi po, mahal ko naman talaga ang anak ko eh, ayoko siyang masaktan."

"Tapos ka na, Hilda?"

Radio silence.

"Opo."

"Sige Hilda, ha? Salamat sa inyong pagtawag ngayong gabi."

"Thank you rin po."

*not exact word-for-word conversation as I was too busy laughing

3 Comments:

Blogger aimee rae said...

Funny. :D

Wonder what the real reason was for the call. Was she just bored out of her wits?

Was annoyed at the radio host, however, for that they're living in sin bit.

7:53 PM  
Blogger sarah said...

i think she just wanted an outlet for her worries. fortunately she was unintentionally funny. =D

yeah, it was a catholic radio program. i just fogot the name.

6:40 PM  
Blogger jillsabs said...

she probably just wanted someone to listen to her. although i wish she called a psychiatrist instead, rather than a catholic radio program.

pr maybe not because it probably wouldn't have been as funny :p

8:46 AM  

Hit me with your best shot

<< Home